Typos and grammatical error ahead!!! ¤¤¤ PERTH POV: ¤¤¤ "Wayde." Nakangiting lumapit sa amin ang isang babae na tumawag sa pangalan niya ng mamasyal pa kami sa hapon matapos ang klase ko na naghintay siya ng isat kalahating oras o higit pa. Nandito kami sa isang mall para maglakad lakad. Bago daw manuod ng sine dahil wala naman akong pasok bukas kaya pwede kaming gabihin sa pag uwi ng hindi aalalahanin ang paggising ng maaga. "Sharon." Tawag din niya sa pangalan nito ng makilala. Humalik pa siya sa pisngi nito. At mukhang malapit sila sa isa't isa. "Kumusta na. Long time no see a. May asawa ka na ba? May girlfriend?" Sunod sunod na tanong nito. Kumilos ako at humawak ako sa palad niya niya na nakapagpalingon sa kanya sa akin. Napangiti siya. "And who is this young boy beside you."