bc

Devron Academy 3 : The Last Sacred War

book_age16+
508
FOLLOW
1.0K
READ
adventure
powerful
brave
witch/wizard
princess
student
drama
bxg
another world
special ability
like
intro-logo
Blurb

Panibagong henerasyong magiging bagong pag-asa. Panibagong yugto at pagsubok ang kahaharapin.

Isa lang naman ordinary town's girl si Selene pero napili pa rin siya bilang bagong kasapi ng royal class, kung saan makakasama niya ang mga anak ng mga hari at reyna ng Majika.

Sa paglaon ng panahon ay napalapit na ang loob ni Selene sa bagong mga kaibigan. Pero hindi niya alam na ito na pala ang simula ng matinding sakit na mararanasan niya.

Unti-unti na niya malalaman kung ano ba talaga ang tunay niyang pagkatao. At kung ano ang mga nakaatang na responsibilidad sa kanya.

Tunghayan ang mga magaganap sa ikatlong bahagi dahil ito na ang huling Sacred War.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : The Lucky Three
Chapter 1 : The Lucky Three Selene POV Napamulat ako ng mata ko ng marinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa malaking gong na nakalagak sa open auditorium ng Academy na pinag-aaralan ko. Hudyat na kailangan ko nang magmadali o sabihin ko na namin, ng buong studyante dito sa Devron Academy. Bukod sa first day, ito ay ang pinakamahalagang araw para sa ibang nag-aaral dito. Oo, di ako kasama. Dahil ayoko. Kada taon pumipili sila ng tatlong maswerte "daw" na mapapabilang sa royal class, ang pinakamataas na ranggo na pwedeng mapabilangan ng isang studyante kahit hindi dugong bughaw. Hindi ko alam kung anong maswerte doon. Ang mapabilang sa mga anak nga ng mga hari at reyna pero kung umasta kala mo kung sino porket malakas sila. Hindi naman sa sinisiraan ko sila. Base lang ito sa tatlong taon kong pamamalagi dito. Lalo na na si Princess Charity Luna Devron, ang nag-iisang prinsesa at tagapagmana ng Sacred Kingdom. Kung makaasta lahat inaapi. Kaya madaming ilag sa kanya kahit pa sabihin na anak siya ng hari at reyna ng Sacred Kingdom, ang pinakamalakas na kaharian dito sa Majika. Pero kahit minsan hindi ko nakita na ginamit niya ang kapagyarihan niya. Ang usap-usapan nahihirapan daw ang prinsesa na palabasin ito. Hindi nila maipaliwanag kong bakit. Buti naman at may mabait sa kanila si Princess Amara. Sa kanilang lahat sa kanya ako humahanga talaga. The rest? Nevermind. Kahit ayokong pumuntang auditorium ay wala akong nagawa kundi ang pumunta pa rin. May parusa kasi sa mga hindi pupunta at sa malalate. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok dito sa school na ito. Hamak lang naman akong town's girl. At tanging pagbabasa lang naman ng isip ng iba ang kakayahan ko. Basta nagising na lang ako isang araw na may mga kawal na sa harap ng bahay ko at pwersahan akong dinala dito sa paaralang ito. Ako na lang kasi mag-isa, patay na ang taong nag-aruga sa akin mula noong sanggol pa lang ako. Sa tatlong taon na pag-aaral ko dito ang tanging gusto ko lang ay makapagtapos at makaalis na dito. "Good morning students," masiglang bati ng emcee sa aming lahat. "Good morning," pilit na sabi ko. "Siguro naman alam niyo na kung bakit kayo nanditong lahat? Excited?" Yung iba tahimik walang kibo. Pero nas madami pa din ang nagsisigawan at mukhang excited. Lalo na at makikita nila ang mga prinsesa at prinsipe. Minsan lang kasi makita na nakikipaghalubilo ang mga royals dahil abala sila sa pag-tratraining o sa misyong ibinibigay sa kanila. "Bakit yung iba parang di excited? First day na first day pa naman. Smile Devronians!" sabi pa ng emcee. Dami naman nilang pakulo, kung tapusin na lang nila 'to para makapag-aral na kami. Tamad akong nakatingin sa emcee habang ipapakilala ang mga royals. Medyo kasi may pagka-modern style na kasi ang pamumuhay dito sa Majika, hindi katulad noon na nababasa ko sa libro na makikita sa library ng Academy. Pati ang salita ngayon ay makabago na rin dahil may nagtuturo na sa Academy ng iba't ibang lenggwahe. "Excited na ba kayong makita sila?" heto nanaman ang nakakabinging sigawan nila. "We love you Royals!" sigawan nila lalo na ng mga babae. Sa tinagal ay naging tradisyon na ipapakilala ang mga prinsesa at prinsipe kapag may mga ganitong paganap. "Let's welcome from royal class Princess Lysse Campbell from Aqua Kingdom (water)." Sigawan ang lahat pati ang mga lalake. Sino nga naman ang hindi mabibighani sa kagandahan ng isang prinsesa na mula sa pamilyang Campbell? Ngumiti siya sa lahat at kumaway pa ito. Napakainosente ng kanyang mukha. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang asul na buhok at mata. Katulad namin ay nakasuot rin sila ng uniporme ng Academy. "Prince Enzo Oxborn from Ventus Kingdom (wind)." Katulad ng kapangyarihan niya mahangin. "Prince Enzo marry me," mga sigawan ng babae dito. Akala mo talaga mapapansin sila. Gustong-gusto ko na umalis dito kaso bantay sarado. Naboboring na ako, wala naman kasi akong hilig sa mga ganito eh. "Prince Wright and Dwight Stanley from Light and Dark Kingdom," kung anong kinatahimik ni Prince Dwight ay siyang kinaingay ni Prince Wright. Kambal sila kaya mahihirapan kang tukuyin kung sino sa kanila si Dwight o Wright. Pero buti na lang at magkaiba ang kulay ng buhok nila "Prince Sebastian Pyro from Ignis Kingdom (fire)," siya ang nagsisilbing leader ng royal class dahil siya ang pinakamalakas, kinakatakutan, hinahangaan. Ang pamilya niya din ang pangalawa sa pinakamalakas at maimpluwensyang royalty. Kung ang kapangyarihan niya ay apoy, ang ugali niya naman ay kabaliktaran nito. Malamig at mailap siya maging sa kanyang grupo. Halos walang kinakausap. "And not but the least, our truly loving princess. Princess Charity Luna Devron from Sacred Kingdom," mas lumakas ang sigawan ng tawagin siya. Sacred ang tawag sa kingdom nila dahil sa itaas ito ng langit nakalagay at dati itong tinitirhan ng mga Diyos at Diyosa dito sa Majika. "Oras na para tawagin ang tatlong maswerteng napili para mapabilang sa royal class. Maari lang ay umakyat kayo sa stage kapag nabanggit ang pangalan niyo." "Leanna Fin. Congratulation Miss Fin," halata sa kanya ang kasiyahan habang papaakyat siya ng stage. Ngumiti ang tinawag na si Leanna sa maraming white shadow tanda na masiya siya na siya ang napili bilang isa sa tatlong bagong miyembro ng Royal Class. Madaming bulong-bulungan na sana sila ang makuha. At ako ito walang pakealam. Katulad ng sinabi ko kanina ay ayoko mapabilang sa grupo nila. "Ryle Willington. Congratulations to him. Pero hindi siya makakaakyat dito dahil nasa isang misyon pa siya," rinig kong sabi pa ng emcee. Hindi ko na natiis. Gutom na talaga ako at nakipagsiksikan ako sa mga tao dito para makaalis at makapunta nang canteen. Pero ng tawagin ang huling pangalan na napili ay napatigil ako sa paglalakad at napamura ako ng wala sa oras. Shit! Naniniwala na nga ako sa kasabihan na kung ano pang iniiwasan mo yun pa ang nangyayari sayo. Katulad ngayon. Hindi ako magalaw mula sa kinakatayuan ko kahit ilang ulit tawagin ng emcee ang pangalan ko. "Miss Selene Flaire. Kung anjan ka pumunta ka na dito sa stage." Madami na ang nagbubulong bulungan dahil ang tagal kong umakyat sa stage. At ramdam ko ang ilan sa kanila ay nakatingin sa akin. No! ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook