Chapter 34 3rd Person's POV Lumipas ang halos isang linggo. Pagkatapos ng klase pumapasok pa din si Adara sa pet shop hindi para magtrabaho kung hindi maglibang. Nilalaro niya ang mga alaga niya doon at tinutulungan si Janus. After niya sa part time job aayusin niya ang garden niya. Sisilipin ang mga binili niyang mga bulaklak. Ganoon ang naging daily routine ni Adara at sa relasyon naman nila ni Silver mas naging mas magkalapit silang dalawa ng lalaki. Umuuwi na ito sa mansion at ginagawa ang best niya para mas umuwi pa ng mas maaga para makasabay sa dinner. Natutuwa naman si Adara dahil kahit minsan madaling araw na ito natatapos. Uuwi ito para tumabi sa kaniya pagtulog kahit ilang oras na lang ay babalik na ulit ito sa opisina. Weekend 'non kaya nagluto ulit si Adara ng lunch