Chapter 32

1880 Words

FAYE Madaling araw na nang matulog ang alaga ko. Si Sir Adi naman ay bumaba ng kama kanina at nagsuot ng boxer. Mabuti na lang at binigyan niya ako ng t-shirt, kaya kahit paano ay nabawasan ang panginginig ng aking katawan. Nakatulog ako sa tabi ni Baby Janica. Balot kami ng makapal na kumot dahil malamig ang temperatura dito sa silid. Dahil sa puyat, tanghali na ako nagising. Wala na rin dito sa silid si Sir Adi at hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Matapos maghilamos at magsipilyo, ginising ko na si Janica. Pinalitan ko siya ng damit at diaper, at nang matapos, lumabas na kami ng silid ng kanyang ama. Wala kasi akong ibang suot kundi ang damit ni Sir Adi. Hindi ko naman puwedeng isuot ang gown na hinubad ko, kaya napilitan akong gamitin ang t-shirts na pinahiram sa akin ng aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD