Chapter 25

2303 Words

FAYE Tinulungan akong magbihis ni Manang. May binigay siyang puting bestida sa akin at may kapares na sapatos. “Wala ka bang dalang makeup, Faye?” tanong ni Manang sa akin. “Pulbos lang ang meron ako, Manang,” nahihiyang sagot ko. “Sige, ako na ang bahala.” Lumabas ng silid si Manang at matapos ang ilang minuto ay bumalik siya dala ang isang pouch, kasama ang isa pang kasambahay na si Armida. “Maupo ka muna, Faye, at kami na ang bahala sa iyo,” sabi ni Manang sa akin. Umupo ako sa upuang kaharap ng malaking salamin. Si Manang ang nag-apply ng makeup sa mukha ko, at si Armida naman ang nag-aayos sa aking buhok. Daig ko pa ang dadalo sa isang okasyon sa probinsya. Ganito kasi sa isla kapag may kasalan o kaya naman ay kasali sa mga beauty contest. “Ang tangos naman ng ilong mo, Faye.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD