FAYE Kumatok muna si Mommy bago pumasok sa loob ng nakasaradong pinto. May mga naabutan kaming armadong kalalakihan na nagbabantay sa labas ng silid na kinaroroonan ng aking ama, pero hindi nila kami pinigilang lumapit sa pintuan. Nakatayo ako sa likuran ni Mommy. Hinayaan ko siyang kumatok dahil siya naman ang kilala ng mga kamag-anak ni Daddy. Tanging ang aking mga magulang, si Mira at si Sebastian Mondego, ang kilala ko, kaya posibleng may makilala pa akong ibang miyembro ng kanilang pamilya. Sumunod ako kay Mommy papasok ng bumukas ang pintuan at pinagbuksan kami ng babaeng nakasuot ng uniporme. Tuloy-tuloy na naglakad at pumasok ang aking ina. Hindi na rin niya binati ang nurse na lumapit sa kaniya at agad naglakad papasok sa malaki at magarang silid. “Kumusta po si Carl, Mommy?

