FAYE Alerto ang aking pakiramdam habang nasa loob ng classroom namin at tinatapos ko ang pagsusulit para sa huling subject ko ngayong araw. Hindi ko nga alam kung paano ko naitiwid ang pagsusulit dahil distracted talaga ako at ilang ulit na napapatingin sa pintuan at bintana, pero wala naman akong nakitang tao sa labas. Hindi ko alam kung bakit napa-paranoid ako ngayon. Kaunting kaluskos lamang ay nababaling sa labas ang aking atensyon, kaya minsan na akong nahuli ng aking professor. Inakala niya na nangongopya ako kay Brando, kaya inilayo niya ako sa mga kaibigan ko. Naiinis ako sa nangyari, pero hindi ko rin naman masisisi ang aking professor kung bakit niya ako pinaghinalaan ng ganoon dahil ilang ulit niya akong nakitang tulala. Kinalabit ako ni Lorabel sa braso, kaya napatingin

