Chapter 177

2263 Words

FAYE “Titingnan ko muna po si Papa,” paalam ko sa aking ina. Ako ang bumasag sa katahimikan na namayani nang umalis si Mira dahil walang nagsalita sa mga kasama ko. “Natutulog ang Papa mo ngayon, Faye,” sagot ni Mama. “Ang sabi ng doktor kanina, kailangan raw niya ng sapat na pahinga, kaya tinurukan siya ng pampatulog.” Tipid na ngiti lamang ang sinukli ko at hindi na ako sumagot sa aking ina. Hindi ako sumulyap sa direksyon ni Cynthia kahit sa gilid ng aking mga mata ay kanina pa siya nakatingin sa akin at tinitingnan niya ako. Ang awkward kasi sa pakiramdam habang kasama ko siya at kinakausap, kaya ako na ang umalis dahil hindi ko kayang tagalan ang kaniyang presensya sa paligid ko. Para bang biglang sumikip ang hangin sa buong silid, at kahit ilang ulit akong humugot ng malalim na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD