FAYE Matapos maligo, nagkunwari akong nahihilo, kaya tinigilan ni Sir Adi ang pang-aakit sa akin. Gusto ko munang magpahinga dahil hindi pa tuluyang nakakabawi ang aking katawan sa sunod-sunod na puyat, at hanggang ngayon, masakit pa ang kalamnan ko. Pinagbigyan naman akong matulog ng maaga ng asawa ko. Sabay kaming nahiga at nakuntento na lamang na magkayakap kaming dalawa sa ibabaw ng kama, balot ng makapal na kumot ang katawan. Nagkunwari akong hindi apektado sa nakakapasong init ng balat ng asawa ko. Mariin akong pumikit at hindi gumalaw sa kaniyang tabi para isipin niya na nakatulog na ako. Minabuti kong gawin ito para makapagpahinga rin ang asawa ko. Gabi-gabi na lang siyang puyat, tapos kailangan niyang gumising ng madaling araw dahil aalis siya mamaya, kaya mabuting matulog kam

