FAYE Naguguluhan ako sa sinabi ni Mira dahil hindi ko lubos maisip na magsasaya pa siya kahit na nakidnap siya, gayong labis na nag-aalala si Mommy sa kaniya. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ko kay Mira. “Of course,” mabilis niyang sagot at ngumiti pa sa akin. Tiningnan ko siya nang diretso, pero wala akong nakikitang bahid ng takot sa kaniyang ekspresyon. Tila napansin naman ni Mira na nagtataka ako, kaya ngumiti siya sa akin. “Don't worry, Faye, now that you're with us, marami ka nang matututunan kung paano makipaglaro sa organisasyon,” sabi ni Mira sa akin. “Sobrang nag-alala sa iyo si Mommy,” sabi ko kay Mira matapos magpakawala ng magkasunod na buntonghininga. “I know, lagi naman siyang ganyan, kaya hindi na bago sa akin iyan,” sagot ni Mira. Tumango na lang ako at hi

