FAYE "Honey, galit ka ba?” tanong ni Sir Adi na siyang bumasag sa katahimikan. “Hindi,” tipid kong sagot. Sa kalsada pa rin nakatutok ang aking mga mata habang nagmamaneho ang asawa ko pauwi sa bahay. Simula nang tumawag sa kaniya si Mira, walang narinig na kahit ano mula sa akin si Sir Adi. Pinili kong manahimik at sumandal ang likod at ulo sa upuan para ma-relax ang isipan ko. Ayaw kong makaramdam ng stress ngayon dahil hindi nawawala ang sakit sa aking ulo. Hangga't maaari, ayaw kong magalit dahil kaunting sundot lamang sa emosyon ko ay nagbabago agad ang mood ko. Hindi ko alam kung dala lamang ito ng aking pagbubuntis dahil malaki ang pagbabago sa temper ko. Ayaw kong mag-away kami ni Sir Adi at pag-awayan ang tungkol kay Mira dahil pakiramdam ko'y pagod na akong pag-usapan ito

