FAYE Nadatnan kong tila masinsinan na nag-uusap ang aking ina at si Sir Adi nang lumabas ako sa silid ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa, pero natigil ito nang makita nila akong palapit sa kanila. “Have you talked to your father, honey?” tanong ni Sir Adi nang umupo ako sa tabi niya. “Oo,” tipid kong sagot. Bumaba ang aking tingin nang abutin ng asawa ko ang aking kamay at pinagsalikop niya ito kahit na kaharap namin ang aking ina. “Ang sabi ng asawa mo, buntis ka raw, Faye,” narinig kong sabi ni Mama, kaya napatingin ako sa kaniya. “Opo,” maikli kong sagot. Ito pala ang pinag-usapan nilang dalawa ni Sir Adi, kaya seryoso silang nag-uusap nang abutan ko sila dito sa maliit na sala ng pribadong silid na tinutuluyan ng aking ama. Katahimikan ang namagitan

