FAYE Iniiwan ko sa sala sina Sir Adi at si Mr. Mondego dahil wala akong balak na kausapin silang dalawa ngayon. Ginawa ko ito para kumalma dahil hangga't nasa paligid ko silang dalawa, lalo lamang hindi huhupa ang galit na nararamdaman ko. Hindi naman ako mapagtanim ng galit noon kahit kanino kapag nagagalit ako, pero ngayon ay nahihirapan akong pakalmahin ang sarili ko. Alam ko na hindi na rin reasonable ang galit ko kay Sir Adi dahil kung iisipin kong mabuti, wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari kanina. Pero dahil nabalot ako ng galit nang makita ko sila sa kama ng babaeng nagpapanggap na Mira, tuluyan nang sumabog ang galit na aking nararamdaman. Minabuti kong pumasok dito sa silid namin at magkulong muna para humupa ang galit ko. Hindi makabubuti sa amin ni Sir Adi kapag

