Chapter 200

2044 Words

FAYE Anak? Tama ba ang narinig ko? Napatingin ako sa lalaking kasama ni Sebastian Mondego. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakita, tapos ang lakas ng loob niya na tawagin akong anak, gayong kahit minsan ay hindi naman siya naging ama sa akin. Kung may kinikilala akong ama, ay walang iba kung hindi si Papa. Siya ang nagsakripisyo at tumayong tatay ko. Kahit mahirap ang buhay namin sa isla at salat sa pamumuhay ay hindi ako nagutom at hindi rin niya ako iniwan. Tapos ngayon, basta na lang magpapakita sa akin ang lalaking ito at tatawagin akong anak. “Hindi kita ama, kaya wala kang karapatan na tawagin akong anak dahil simula nang abandonahin ninyo ako ay pinutol na ninyo ang kahit anong koneksyon na meron sana tayo,” matigas ang ekspresyon at seryoso maging ang tinig na sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD