FAYE Mabilis lumipas ang araw. Natapos na ang ilang araw ng bakasyon ni Sir Adi, at naiwan ako dito sa bahay kasama sina Manang Norma at Armida. Sa loob ng isang linggong bakasyon ng asawa ko, sinulit namin ang bawat oras na magkasama kaming dalawa. Kaya nasanay na naman akong nasa tabi ko palagi ang asawa ko at nagagawa kong maglambing sa kaniya kahit anong oras ko gusto. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot nang pumasok siya sa trabaho. Isang linggo ko lang siyang kasama dito sa bahay, pero miss na miss ko na agad ang asawa ko tuwing aalis siya at maiiwan akong mag-isa dito sa loob ng silid namin. Kaalis lang niya, pero para bang ang lungkot na, kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na tawagan siya. “Hello, honey,” narinig kong sabi ni Sir Adi mula sa kabilang linya. “Nasa ka

