Chapter 2

2213 Words
GUSTO kong magwala at magsisigaw para mailabas ang sama ng loob ko, pero hindi ko magawa. Ang tanging nagawa ko lang ay mag-isang umiyak. Mag-isang damayan ang sarili ko at kimkimin na lang ang sama ng loob. Dahil kahit anong gawin kong pakiusap kay Daddy na ayokong magpakasal, hindi pa rin ako nito pinakinggan. “Ako ang iyong ama at kailangan mo akong sundin. Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo!” iyon ang galit na isinigaw sa akin ni Dad nang kausapin ko ito tungkol sa pagtutol ko sa kasal. Wala ring nagawa si Mommy kundi ang manahimik na lang, dahil kahit ito ay nasigawan din ni Dad. Kaya naman kahit ayoko ay napilitan pa rin akong sumama sa kanila pauwi ng Pilipinas. Ngayon ay nakaupo lang ako rito sa loob ng kuwarto ko. Nakasandal ako sa headboard ng aking kama at nakatitig lang ako sa screen ng hawak kong phone—sa number ng boyfriend kong si Daniel. Hindi ko pa rin natiis at tumipa na ako sa keyboard, pinaalam ko na na umuwi na ako ng Pilipinas, sumama sa parents ko. Wala pang limang minuto ay nag-ring na ang phone ko. “Babe?” bungad ng boyfriend ko. “Hi, babe,” I answered, forcing a smile into my voice. “How are you?” “I’m good, but I miss you like hell. How long are you staying there? When are you coming back? We still have classes.” Napakagat na ako sa nanginginig kong labi para pigilan ang mapahikbi. “I’ll come back as soon as I can, babe. I love you.” I didn’t wait for his reply. I ended the call, shut off my phone, and tossed it onto the bed like it burned my hand. Tears welled in my eyes, but I refused to let them fall. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Nagagalit ako sa desisyon ni Dad na gusto akong ipakasal sa kanyang business partner. But no, hindi ako papayag. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang pagkatok mula sa labas. “Yes, come in,” mahina kong sagot. The door creaked open. I expected one of the housemaids, but when I saw who it was, my breath caught in my throat—Julia. My older sister. “Ate—” Hindi ko na natuloy ang pagsalita ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. She slapped me. Hard. “Ang kapal ng mukha mong agawin ang lalaking gusto ko!” she screamed. “Bakit kailangan ikaw ang magpakasal kay Ralph! You don't deserve him!” I stared at her, wide-eyed. “I didn’t even know about the marriage, Ate! I don’t even know who Ralph is!” “Stop pretending!” she spat. “Aminin mo na na mang-aagaw ka! Bakit, tingin mo ba magugustuhan ka ni Ralph? Ano na ba ang naabot mo sa buhay para magustuhan niya? He’s a perfect man—rich, powerful, everything! And you? You’re nothing! You haven’t achieved anything. You’re still a nobody. Unlike me—I’m already helping Dad with the business. Kaya dapat mahiya ka, lumayo ka kay Ralph. Binabalaan kita, Jelly Anne. Lumayo ka sa lalaking gusto ko kung ayaw mong ako ang makalaban mo!” I clenched my fists, trembling, holding back the tears burning behind my eyes. This wasn’t new. Sa simula pa lang ay ganito na talaga sa akin si ate, same with mommy, para bang hindi ako parte ng pamilya kung ituring nila. “Why are you attacking me, ate? If you want to marry him so badly, then go tell Dad! Tell him to choose you instead of forcing this nightmare on me!” Napahinto ang kapatid ko sa tangkang pagsabunot na sana sa akin. “Ayoko naman talagang magpakasal, ate. Si dad lang ang may gusto nito. May boyfriend na ako at siya ang mahal ko, siya lang ang lalaking gusto kong pakasalan at wala nang iba.” Sa sinabi ko ay umarko na ang isang kilay nito at parang unti-unti nang naglaho ang galit sa mukha. “Really? You have a boyfriend?” I nodded, swallowing hard. “W-We’ve been together for almost two years now.” Nakangiti nang lumapit sa akin si ate at hinaplos na ang pisngi ko. “I'm really sorry for my slap, sis. Medyo nabigla lang si ate.” Tipid na akong ngumiti at tumango. “Ayos lang, ate.” ‘Sanay na rin naman ako sa ugali niyo ni Mommy,’ gusto ko pa sanang idagdag 'yon pero nagpigil ako. “Ang mas mabuti pa ay sabihin mo na lang kay Dad na may boyfriend ka na, at ipakasal na lang niya sa akin si Ralph. Deal?” Agad akong tumango, dahilan para lumapad ang ngisi ng kapatid ko. This b***h. She's so fake. “Come on. Mom and Dad are waiting in the dining room. It’s time for dinner, sis.” Hinila na ako nito palabas ng bedroom. Hindi na lang ako umangal at nagpatianod na lang. Pagdating namin dining room ay naroon na nga sina Mom at Dad, kami na lang ang hinihintay. Naupo na kami ni ate nang magkatabi. Katahimikan ang namayani sa loob ng dining room nang magsimula na kaming kumain. No one spoke. Not a single word—until my sister nudged me under the table. Kaya naman binasag ko na ang katahimikan. “Dad… I don’t want to get married. The truth is, I already have a boyfriend. I love him. Siya ang gusto kong pakasalan balang araw.” Napahinto bigla si Dad, pero nanatili lang ang tingin nito sa kanyang plato. “Hiwalayan mo kung sino man 'yan,” he said, his voice cold, like my heart was nothing more than a trivial matter to him. He went back to eating, as if the words he’d just spoken hadn’t shattered me into a thousand pieces. But no. I wouldn’t back down. Not this time. “Please, Dad, I’m begging you. I don’t want this. Nariyan naman po si ate—siya na lang po ang ipakasal mo, tutal mas nakakatanda siya sa akin at may narating na po siya, nakakatulong na sa mga business mo. Siguradong mas magugustuhan siya ng lalaking 'yon kaysa sa akin.” Agad na sumang-ayon ang kapatid ko. “That’s right, Dad. Why force Jelly into this when I’m the eldest? Siguradong aayawan siya ni Mr. Lambert kapag nakita siya. Hindi malabong mapahiya ka, Dad. Paano na lang kung talikuran 'yan ni Ralph sa araw mismo ng kanilang kasal?” My mother didn’t hesitate to back her up. “Tama si Julia, honey. Mas bagay sila ni Mr. Lambert kapag siya ang ipakasal mo, at hindi ka rin mapapahiya.” Hindi ko mapigilan ang masaktan sa narinig. Ibig sabihin ba ay kahiya-hiya ako? But why? Wala naman akong nagawang mali para maging kahiya-hiya sa pamilya namin. “Hindi puwedeng si Julia,” Dad said, his voice hard and final, stopping all of us in our tracks. “At bakit naman hindi ako puwede, Dad?” my sister snapped, disbelief flashing in her eyes. “’Di hamak na mas lamang naman ako kaysa riyan kay Jelly. At isa pa, kahit sa edad hindi sila bagay; thirty one na si Ralph, and I'm twenty nine. Mas bagay kami, Dad. At nasisiguro kong mabibigyan ka agad namin ng apo.” Pero hindi na sumagot si Dad at pinagpatuloy lang ang kain. “Why me, Dad?” I finally asked, my voice trembling. “Is this really all about business? Why force me into this marriage when Ate is the one begging to take my place?” Muling napahinto si Dad, hanggang sa ibinaba na nito ang kamay na may hawak sa kubyertos at tiningnan na ako nang diretso. “Mr. Lambert is searching for a wife,” he said calmly. “Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon, kaya naman inireto ko kayong dalawa sa kanya at baka sakaling may magustuhan siya. Pero ikaw ang napili niya, hindi ang ate mo.” I stared at him, stunned. What the hell did he just say? Nang mapatingin ako kay ate at mommy ay parang papatayin na ako sa tingin. Yumuko na lang ako at binalik na ang tingin sa pagkain ko. “Mas mayaman sa atin si Mr. Lambert,” Dad continued. “Marrying him will elevate our status, expand our influence. The business will thrive with him as our ally. Think of this marriage as your contribution to the family.” So that’s it. That’s all I am to him—a pawn for profit. “P-pero nag-aaral pa ako, Dad,” sagot ko na parang maiiyak na habang nakayuko. “I already told Mr. Lambert. He’s fine with it. Maipagpapatuloy mo pa rin ang pag-aaral mo kahit kasal na kayo.” Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa plato. “P-Pero, Dad, bakit po ako pa?” tanong ko at napakagat na sa nanginginig kong labi para pigilan ang maiyak. “Can’t you put the business aside—just this once? I don’t love him. I can’t marry him. I won’t—” “I’m your father,” he cut me off with terrifying calm. “I know what’s best for you. Ralph Ian Lambert is a good man. He will secure your future. One day, you’ll thank me for this.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binitiwan ko na ang kubyertos kong hawak sabay tayo. “I don’t care how rich he is—I won’t marry him!” I shouted, my voice echoing through the room. “I don’t want him! I won’t marry him!” Mabilis na akong tumakbo. “Jelly Anne!” “Itatakwil kita kung ayaw mong magpakasal sa kanya!” Bigla akong napahinto sa paglabas ng pinto dahil sa narinig. Hindi makapaniwalang napalingon na ako kay Dad. “Talaga, Dad? Itatakwil mo ako dahil lang sa ayaw kong magpakasal sa lalaking gusto mo?” My voice trembled with disbelief. “Is your business really worth more than your daughter?” “Ginagawa ko lang ang makakabuti sa 'yo. Akala mo ba hindi ko alam na lumipat ka ng Moscow para lang sa isang lalaki?” Nagulat ako sa narinig at napahinto. How did he know? “Your friend Vince Arsheido told me. You moved last year. Pero hindi mo man lang pinaalam sa akin.” I laughed bitterly, on the verge of tears. “How was I supposed to tell you, Dad? Busy ka po sa negosyo mo. Ni hindi mo nga ako makumusta kahit dalawang beses man lang sana sa isang buwan. Never ka rin nagpakaama sa akin. Kaya kung sakaling itakwil mo man ako ngayon dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto mo, tingin ko ay ayos lang sa akin since sanay na rin naman ako na parang hindi anak mo!” Matapos kong isigaw 'yon ay tumakbo na ako palabas ng dining room. Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ang suitcase ko. Nang makuha ay muli akong lumabas. Pero pagbaba ko ng stairs ay nakatayo si Dad. “At saan ka pupunta?” “Kakasabi mo lang na itatakwil mo na ako. Kaya aalis na ako rito.” “Bumalik ka sa kuwarto mo.” I didn’t even look at him. I walked past, dragging my suitcase toward the front door. Pero bago pa ako makalabas sa pinto ng mansyon ay humarang na ang dalawang security guard. “Take my daughter back to her room,” Dad ordered with an iron voice. “Yes, sir!” Hinawakan na ako ng dalawang security guard at kinaladkad na muli paakyat. “Bitiwan niyo ako!” Pilit akong nagpumiglas. “Hindi sabi ako magpapakasal, Dad! Kung ayaw mo na ako maging anak, then hayaan mo na lang akong umalis!” Pero hindi na ako sinagot ni Dad. Hanggang sa tuluyan na akong naipasok ng dalawang security guard sa kuwarto ko at ni-lock ang pinto mula sa labas. Sinubukan ko pang buksan at kinalampag pero nanakit lang ang mga kamay ko. Napaupo na lang ako sa kama ko at mag-isang umiyak. Mahigit isang oras yata ang tinagal bago ko narinig ang pagbukas ng pinto. I looked up, half-hoping it was Dad. But it wasn’t. It was my sister, stepping inside with a glass of milk in her hand. “Huwag ka nang umiyak pa, uminom ka na lang ng gatas. Ito oh, pinagtimpla kita.” She placed it on the bedside table. Hindi ako umimik at pinunasan lang ang luha sa pisngi ko. Hanggang sa naupo na si ate sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Don't worry, sis. I'm here, tutulungan kitang makatakas para mapuntahan mo ang boyfriend mo.” Say narinig ay parang bigla akong nabuhayan. “T-Talaga, ate? Totoo ba 'yan?” I asked, my voice shaky with disbelief. She nodded, smiling softly. “Yes. Mamaya kapag tulog na lahat, pupuntahan kita rito para makatakas ka. Hindi rin naman ako papayag na makasal ka kay Ralph.” A tear slipped down my cheek, but this time, I smiled. Hope bloomed in my chest. I threw my arms around her in a tight, tearful hug. “Thank you, ate… thank you so much!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD