Kabanata 66... "JUDIE MAR! Ibaba mo 'ko!" malakas na hiyaw ko rito habang malalaking hakbang ang ginagawa nito. Ginawa ko pang ikawag ang dalawang magkabilang paa ko para mabigatan ito sa akin pero lalo pa nitong pinagbuti ang pagkakahawak sa akin. "Sabi 'kong ibaba mo 'ko, e!" bulyaw ko pa. Ponagbalingan ko si Nica dahil alam ko matutulungan ako nito. Kahit paulit -ulit na tawagin ko si Nica para pigilan ito pero dagli kong nakitang pinigilan ito ng asawa. Sa ganoon paraan nagkampihan ang dalawang poty, at habang palayo ako nakikita kong nakatanglaw lang sa akin ang kaibigan ko. Gustuhin 'man nito parang may alam na ang asawa nito sa relasyon namin ng kaibigan nito. Binuksan nito ang kabilang pintuan at ibinagsak ako sa upuan. Sa dilim ng kapaligiran, saksi lang ang mga bituin s

