Kabanata 110... WARNING: ANG KABANATANG ITO AY HINDI PINAHIHINTULUTANG MABASA NG DEYSI OTSO PABABA. NANGINGITING nauna akong pumasok sa loob habang sina Amanda, Nica, Alyana at Gab ay nasa likuran ko naman sumusunod. Katatapos lang namin maligo 'non at ang mga boys ay nagpatiiwan sa cottage. "Hoy! Girl! Magsabi nga!" si Nica na biglang harangin ako nito, papasok na sana ako sa loob ng kuwarto 'non. "Bakit?" maang na sagot ko ng harapin ko ito kahit ba alam ko na ang gusto nitong malaman. "Magsabi ka nga Layla. Nagkabalikan na ba kayo ni Judie?" si Gab na biglang sumingit sa usapan namin ni Nica. Tila ba gusto din malaman ang tungkol sa amin ng binata. "Hindi, uh!" tanggi ko. Saka ibinaling ang paningin sa iba. "Sus! Ayaw pa umamin, e, nasabi na sa akin ni Jam na nagkabalikan na

