Kabanata 85... "ATE! ATE..." "Higmmm..." Tanging ungol lang ang namuti sa bibig ko. "Ate..." Tawag ulit ni Linda na may kasamang pagyugyog sa katawan ko, "Ate... Bangon na po. Ate..." "Linda...." Mahinang tawag ko sa pangalan nito, pero hindi nagmulat ang mga mata ko kundi ginawa ko'ng bumaligtad ng pagkakahiga para mapatalikod rito. "Ate naman po! May tao po sa labas," sabi nito Pa hindi maitago sa boses ang pagkainis. "Kung bumbay 'yan Linda, pakisabi next week na lang." Hirap na bigkas dahil namimigat pa ang dalawang talukap ng mata ko. "Ate hindi po. Bangon ka na kasi..." Saka pumihit ito ng papunta sa harapan ko sa ganoon lalo ako'ng marinig ito. "Ate..." "Linda naman, ih!" Napakapikit pa rin sabi ko at lalong umayos sa pagkakahiga. "Ate, may mga tao po sa labas hinaha

