Kabanata 80... "GOOD MORNING mahal ko," nakangiting bati sa akin ni Judie habang yakap ako nito sa bewang. Kalalabas lang ng nurse na nagtanggal sa swero ko. "Wala ng masakit sa iyo 'di ba?" dagdag pa nito. Ulit hinaplos nito ang pisngi ko habang ang kapwa mata nito'y mainit na nakatingin sa akin at bumaling pa ng tingin sa pang ibaba kong mukha na nakabukas ang isang botones ng blusa ko. Oo nga pala, magdamag ito ang kasama ko sa hospital. Magdamag ako nitong yakap habang nasa iisang kama kami. As in nasa tabi ko dahil pati ito ay nahiga na rin sa kinahihigaan ko. Hindi ko nga alam kung natulog ba ito. Hindi kase nito pinapalagpas ang labi ko sa twing kikibot ako. Kahit ba nakaratay ako sa kama paulit-ulit na sinasakop nito ang labi ko. Hays! Mabuti na lang talaga nuo at katawan lang

