Kabanata 6...
PADABOG na isinarado ni Layla ang pintuan ng makababa siya nang sasakyan. Inis na ginawa iyon ng makita niya ang dalawa na magkayakap na tila ba walang gulong naganap nuon sa mga ito!
Tila ba totoong apaka sweet ng nobyo ng kaibigan niya. Wala talaga siyang tiwala sa mga lalakeng cheater. Cheater is a cheater at malabong magbago pa pag paulit- ulit na ginagawa sa isang babae! Kahit ayaw niyang sumakay sa sasakyan nito, no choice s'ya! Awtomatikong napatingin sa kaniya si Gernie at ang boyfriend nito.
"Ah, eh.. Napalakas." pilit ngiting pinakawalan niya sa labi ng magsalita.
Nakatayo sila sa harapan ng malaking mall ng magsalita ulit siya.
"Gernie, magsya shopping ka ba? Ililibre ka ba ng jowa mo?" bulong tanong niya sa kaibigan habang ang dalawang mata ay malikot na gumagala sa bawat paligid na nakikita.
"CityVall Mall." Basa ng isipan niya sa nakalagay na pangalan ng mall na nasa harapan nila. Ngayon lang siya nakatungtong sa lugar na iyon at mahigit kalahating oras din silang nag byahe.
"Love alis na 'ko, text kana lang pag uuwe na kayo." napaangat ang kaliwang gilid ng labi niya ng marinig iyon sa boyfriend ng kaibigan.
Hindi talaga siya naniniwalang mahal nito ang kaibigan niya kaya walang nagawang tinalikuran niya ang dalawang magyakap.
Hindi siya bitter! Pero ayaw lang talaga niya sa mga lalakeng manloloko!
"Huy! Lalim ng iniisip mo, ah!" Mabilis s'yang napaharap sa kaibigan noong nasa likuran na niya ito.
Umismid muna siya bago magsalita, "Ang rupok mo." walang emosyon na nakabakas sa mukha niya.
"Baliw! Nagbago nasi David! Saka may balak na kaming magpakasal." masayang wika nito.
"Magpakasal? O magpasakal? Gising ka ba? Ilan beses ka ng niloko ng mokong na 'yun, at hayan heto kana naman Gernie!" nagsimula na silang humakbang papalapit sa may pintuan, patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
Nawala na tuloy sa loob niya kung bakit ba sila naandito sa mall. Akupado na kase ng isipan niya ang manlolokong boyfriend nito. Si David ay kababata nila, at dahil mayaman ang pamilya nito kaya nakuha nito ang gusto.
"Layla.. Ang tao nagbabago, hindi mo pa kase nasusubukan magmag mahal ng totoo."
Lalong umangat ang kaliwang gilid ng labi niya, "Hindi pa nga! Pero kung ganyan lang at kaugali ng herodes mong boyfriend. Huwag na lang! Kahit mapanat na sa pagka dalaga ang kipay ko! Huwag na lang Gernie!" maanghang na sagot niya.
"Sige na... Doon tayo pipila." sabay turo nito sa mga taong nakapila sa 'di kalayuan.
Gulat na mabilis siyang napatingin sa kaibigan at napahinto sa paghakbang.
"Ma-mag aaply tayo d'yan!" kasabay ng pagsabi nito ang pag arko ng kilay nito.
"Sure ka na p'wedeng naka pants at walang make up d'yan, Gernie?" kinakabahang ulas niya. Never pa niyang nagawa ang mag make-up. Naiinitan kase siya at parang ang kati sa mukha sa pakiramdam niya.
"Oo! Sige na, lakad na!" sabay hila nito sa kaniyang baraso.
"Sure ka, huh?" nakabusangot na sagot niya. Parang nahihirapan tuloy siyang ihakbang ang dalawang paa.
Kasalanan niya iyon! Bakit naman kase nuong marinig niya ang sampung libo na sahod agarang napa 'oo' siya nito.
Parang na scam yata siya ng kaibigan!
"Magkano na ang sahod?" gusto niyang marinig kung magkano ba talaga, baka kase nagkamali lang siya ng dinig kahapon.
"Ten thousand, saktong sakto sa pagkakautang mo sa tao. Isipin mo, nasa hospital ang Nanay mo, pag nakapasok tayo d'yan loan kana kagaad. Solve ang problema mo." hindi niya alam nawala ang agam- agam na nakapaloob sa kaniyang dibdib.
Tama nga ito! Solve ang problema nya.
Sabay silang napahinto sa isang pwesto, eksakto may lalakeng nangongolekta ng mga bio data. Hindi na rin niya problema ang bio data hindi iyon nawawala sa bagpack niya. Mga nasa bente katao na din sila na naandoon at may mga dumadating pa na iilan. May mga lalakeng din na kapwa nila nag a apply.
"Akina 'yung bio data mo, ako na magpapasa." Para siyang isang sunud- sunuran sa sarili. Mabilis niyang binuksan ang zipper ng bagpack niya at kinuha sa plastic envelop ang bio data, matapos iniabot sa kaibigan.
"Heto."
"Pansin ko lahat yata ng picture na pinapasa mo noong dekada pa." nakangising ulas nito.
"Sa walang pampa picture! Pasa mo na! Dami mo pa tinitingnan." inis na wika nito rito.
Minsan pamwisit din itong si Gernie. Kahit gusto niyang magpa picture wala siyang pambayad sa ganoon. Three hundred din kaya iyon, ilang kilong bigas din na pagkain nila.
Nakita niyang iniabot ni Gernie sa lalakeng nangongolekta matapos narinig niyang nagsalita ito, ilang minuto.
"Guys... Sa lahat ng nagpasa ng bio data ngayon, maghintay lang kayo at h'wag mainip. Mamaya mag uumpisa na ang interview. Stop muna ang pagkuha ng mga bio data." itinaas pa nito ang hawak na may kakapalan na papel dahil biglang usbong ng tao para magpasa ng bio data ilang minuto ang nakaraan. "Marami-rami na ito, hanggang 3 pm lang po ang interview namin. At kung hindi matatawag ang pangalan mo, bumalik na lang po bukas." mahabang paliwanag ng lalaki.
Mabilis at hindi na sya nagtumpik na magtanong sa lalakei, "Excuse me sir. Kasama ba kami ngayon araw ng kaibigan ko sa pag interview? Malayo pa kase kami sir . Puwedeng mauna muna kami?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, iilan mga babae ang nagtinginan sa kaniya at nagbulungan.
"Sorry about that ma'am... Hindi ko masisigurado kung matatawag ko ba kayo ng kaibigan mo ngayon. Medyo nung magpasa ka iilan na ang nagpasa. Mas okay siguro na hintayin mo na lang ang pangalan mo para malaman natin."
Awtomatikong napatingin siya kay Gernie, na nakatingin na rin sa kaniya.
"Pst!" dinig niyang paswit nito.
"Halika nga dito!" mahinang madiin na utos nito.
Humakbang siya papalapit na may dalawang hakbang ang layo niya kay Gernie.
"Kainis naman kase, mukhang hindi sure na mainterview tayo ngayon." wika niya ng makalapit sa kaibigan.
"Bunganga mo! Marinig ka d'yan, oh!" gamit nito ang nguso sa pagturo sa lalakeng katatalikod lang na may dala ng mga bio data nila.
"Kaialangan ko kayang mag bantay sa hospital. Baka mamaya Tatay ko naman ang may sakit sa pagod at puyat doon."
"O. A mo! Wala pang tanghalian, ano?! Saka kung iniis—."
Inunahan na niya ito, "Dahil may libreng sakay tayo?" hindi maiwasang umikot ang dalawang mata niya.
"Basta kase... Hintayin na lang natin yung pangalan natin. Malay natin, makasama pala tayo ngayon sa interview." sa boses nito may pagpupumilit. Pero hindi pa rin maalis sa isipan niya ang kaniyang ama.
"Libre kita lunch." Nakangiting ulas nito.
"Kakain ako Gernie tapos mga kapatid ko, kumusta?" malungkot na sagot niya, "Siguro mauna na akong umuwe, mag a apply na lang ako sa iba na puwedeng ngayon din mag umpisa. Nasisiguro ako'ng siyam siyam ang abot natins a dami ng mga taong nag a apply dito. Sa nararamdaman ko walang kasoguraduhan, lalo na nakalagay ang price kung magkano nag sweldo. Sa laki ba naman ng sahod, mas marami ang mapipili lalo na ang mga nauna. Tapos mapapatungan din ang bio data na ipinasa natin." Mahabang ulas niya. Nasa boses ang pagka dismaya.
"Ngayon pa nga lang tayo nag uumpisa! Suko kana! Tumayo ka nga lang d'yan at maghintay!" ito naman ang umirap sa kaniya.
Lumikot ulit ang dalawang mata niya ng matapos siyang mapatikhim. Sinadya talaga ang pwesto nila na 'yon para sa mga gusting mag apply. May tent na gawa sa bakl na itsurang nilagay lang para sa lahat ng mag a apply sa ganoon hindi makarmdam ng init. Kitang- kita niya ang pagdami ng tao, tila ba triple ang dami kanina, ang iba naman nag alisan na rin ngunit parang hindi naman nababawasan. Nawala ang agam agam ng kaniyang pag iisip ng may marinig siyang boses lalake na nagsalita at humiyaw ng pangalan.
"Monita Lucario." tawag nito sa pangalan.
Nagulat pa siya ng biglang kiligin ang katabi niya na iyon pala ang tinawag. Masaya itong humakbang papunta sa kurtinang nagtatabing sa pasukan. Hindi siya nagkakamaling doon magaganap ang interview.
"Hanggang mamayang alas tres 'yan Layla. Kung 'di 'man tayo matatawag ngayon, bukas babalik tayo." bulalas ni Gernie sa gilid niya.
Mabilis siyang napailing, "Hindi na 'ko babalik, dahil once na hindi ako na interview ngayon mag a apply ako sa iba! Ngayon pa lang, kahit hapon o gabi mag a apply na 'ko kahit taga tinda sa palengke." Agarang pasya niya.
"Nababaliw ka na!" asik na sabi nito na may halong pagka asar.
"Sa dami natin posibleng lahat tayo ma interview ngayon!" giit niya.
"Ipagpapalit mo ba ang ten thousand sa apat na libo? Ikaw minsan ang utak mo nasa talampakan."
Nagsalita ang magaling! S'ya nga itong kahit niloloko na ng ilang beses, huli na sa akto. Hayun at parang walang lalake! Parang nauubusan! Sarap pektusan!
Ilang minuto lang ang nakaraan nadinig ulit niyang tumawag ang lalaki ng isang pangalan.
"Adelaida Villegas." tawag ulit sa pangalan ng lalakeng kumuha ng bio data nila.
Matapos ang limang na interview, tila ba bumabagal ang pag usad. Ang dating limang minuto ay inaabot na ng kinse minuto at ang pinakamatagal ay umabot sa kalahating oras. Naisipan kase niyang orasan ang mga taong natatawag ang pangalan.
Mabilis na lumipas ang ilang oras ganun din kabilis nag alisan ang mga taong sumubok mag apply sa mall na iyon. Nabuburo na sya at may halong pagka inis.
"Gernie! Baka puwedeng lumamon muna tayo! Ano 'to? Tatayo na lang ba tayo dito at maghihintay? Matutuyo tayo dito! Pakiramdam ko nga eh, mukhang sa kabilang taon pa tayo matatawag!" dabog na wika niya.
"Ikaw ang high blood mo!" kunot nuong usal sa kaniya.
"Hay! Ewan ko ba sa'yo! Nang dahil sa 10k na sinasabi mo, hindi ko 'man lang napalitan ang Tatay ko na magbantay s—." natigilan siya sa pagsasalita ng maulinigan ang pangalan niya.
Mabilis na nanlaki nag dalawang mata niya sa narinig at mabilis silang nagkatitigan ng kaibigan.
"Layla Miranda." ulit na tawag sa kaniya ng lalaki.
"Sir!" taas kamy niyang sagot
"Sa puting pintuan ka pumasok ma'am, diretsyo lang at makikita mo saka kumatok ka pag nasa harapan ka ng pintuan." sagot ng lalake ng makitang nagmamadaling humahakbang siya. Tumango naman siya at sumunod sa lalaki.
Bago siya pumasok sa naghaharang na kurtina sinulyapan muna niya si Gernie na maluwang ang pagkakangiting nakatingin sa kaniya.
Mabuti na lang at natawag na ang pangalan niya! At kung hindi uuwe na talaga siya!
Mamaya't nasa harapan na siya ng puting pintuan na itinuro ng lalake. Kumatok siya at hindi hadlang kung nakasarado ba iyon dahil agarang narinig siya at may isang boses na lang niyang narinig na pinapapasok siya sa loob, kaya hindi na nagdalawang isip at pinihit niya iyon pabukas.
May dalawang upuan na pang isahan sa dalawang gilid ng lamesa. Habang sa gitna naman may lamesa at may nakayukong lalake at hindi siya nagkakamaling iyon ang mag interview sa kaniya.
"Hello po sir." magalang na bati niya sa kaharap habang nakayuko naman ito kaharap ang bio data niya. Hindi siya nagkakamaling binabasa nito ang nakalagay doon.
Nagtaas ulo ito ng marinig ang pagbati niya, "Hello... Please sit down." ulas nito na itsurang may pagka bigla. Segundo lang din at nawala sa itsura nito iyon na ingnora lang niya.
Awtomatikong napaliit mata siya ng malapitan niyang makita ang itsura ng binata, parang nakita na niya ang lalakeng ito ngunit hindi niya lang matandaan at kung saan.
"You can introduce yourself." utos nito at gumalaw pa ang kanang kamay habang nakangiting nakaharap sa kaniya.
To be continued...