Kabanata 37... "UY! Gernie! Ilan araw mo na 'kong 'di pinapansin, uh! Hindi mo ba ako nami-miss?" nakabusangot kong sabi habang sumusunod ako kay Gernie, naglalakad ito palabas ng mall. Simula kaseng maniwala ito kay Judie, hindi na siya nito kinakausap at pinapansin. Pag manananghalian lang sila, doon tatawagin lang siya nito at pagkatapos ay wala na. Ganoon kalakas ang virus ng lalakeng iyon sa buhay ko! Kahit ba ilan beses na niyang ipaliwanag rito, hindi pa rin ito naniniwala sa kaniya. Ang sagot nito, lahat ng kababaihan pangarap ang lalakeng ganoon ang itsura. Kase nga gwapo at may abs ito kumpara sa mga lalakeng kilala nilang dalawa. Tama nga naman ito, pero mahirap naman kung aaminin niya ang mali. "Sabihin mo lang kung sasabay ka sa 'kin uuwe at kung hindi, okay lang." Wa

