Kabanata 83... WARNING: ANG KABANATA ITO AY HINDI PINAPAHINTULUTANG MABASA NG DEYSI OTSO PABABA. "TSK! BRO, may dapat ba kaming malaman?" Bungad ng buksan ko ang text message galing kay Joven. Pagak na napangiti na lang ako. Hindi ko pa rin pinapaalam sa tatlo ang naging desisyon ko. Tanging sila, Juriel, Jake at Jam ang lang ang nakaalam sa plano ko. Naiiling na ibinaba ko sa aking harapan nag cellphone at nagbalik atensyon ako sa minamaneho habang si Layla naman ay tahimik na nakaupo lamang. Pauwe kami ng bahay nito. Segundo lang, nasulyap ako ulit sa cellphone ng tumunog ulit iyon. Hindi ako pagkakamaling si Joven ulit ang nagtext dahil wala akong naging reply mula sa rito. Inignora ko iyon mamaya na lamang at magpapakita ako sa hide-out para ipaalam sa mga ito ang sikreto ko. Al

