Kabanata 32... Layla Pov. TAKBO DOON, lingon rito, lingon doon! Huwag lang ako masundan ni Judie. Medyo malayo- layo pa ang lalakarin ko papuntang hospital pero mas ginusto kong bumaba't maglakad na lang kesa mag init lalo ang ulo ko. Tiniyak ko sa sarili kong walang sumusunod sa akin. Kaylangan ko'ng makalayo! Baka balaking sundan ako nito at pag nahuli ako, tiyak hahanapin nito ang sinabi 'kong boyfriend na katanan ko. Bakit naman kase iyon ang naisangkalan ko? Na p'wede naman sabihing papasyalan ko si Nanay. Hm! Saka malabong sundan ako 'non dahil bago ako nagpatuloy sa paghakabang nilinga ko paulit-ulit ang likuran ko masiguro lang na hindi ito sumusunod. At ng matunton ko ang harapan ng hospital, hingal hingal na lumingon ulit ako sa likuran.100% na natitiyak akong hindi ito sum

