Kabanata 73.. Warning: Ang kabanatang ito ay hindi pinahihintulutang mabasa ng deysi otso pababa. HINDI KO namalayang papasok na pala kami ng mansion. Nagising na lang ako sa isang tunog na malakas at nanggaling iyon sa may gate. Bumukas kase iyon. Nakatulog pala ako sa mahabang byahe, maging si manang ay nakatulog din at nagising lang din sa tunog na iyon ng lingunin ko. Samantalang si Judie seryosong nakatingin sa harapan ng minamaneho. Hindi siguro nito napansing gising na ako. Parang hinihikayat akong tumingin sa langit dahilan sa paninilim, itsurang may paparating na bagyo magmulang umalis kami ng probinsya ganoon na rin ang kulay ng kalangitan. "Yaya, nandyan ho si boy para tulungan ka niya sa mga gamit natin." Dinig ko sa binata ng lingunin pa nito ang matanda. Inangat ko ang

