Kabanata 98... DALAWANG TAON na ang nakalipas bakit hindi pa rin nawawala sa puso ang lalaking ito? Naandoon pa rin yung sakit at kirot sa twing makikita ko ito na may kasamang iba. Pero hindi pa rin maitago 'yung pagmamahal na inilaan ko para rito. Dahil ito ba ang nakakuha ng iniingatan ko na dapat ang naandoon ay galit at poot dahil pinaglaruan lang ako nito. Pagkarating ko ng bahay namin mabilis akong nagtungo sa kuwarto ko. Doon ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ng mawala ito sa puso ko dahil kahit anong gawin ko ikakasal na ito sa iba. Panandalian limot lang pala ang bumalot sa puso kase hindi ko ito nakikita pero ng magbanggaan ulit kami nito tila ba nakadikit na ito sa mga mata ko at hirap na 'kong alisin ulit iyon. Kung hindi ko gagawing kalimutan ito baka

