CHAPTER 3

1618 Words
Point of view - Steffi Dwight – Lumakad siya papunta sa aking silid habang ako ay nakasampay sa kanyang balikad, pumunta sya sa aking kama at doon ako marahas na ibinagsak "Array! ano ba, Blake! nasasakta-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad nya akong dinaganan, nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga saka mahinang bumulong. “Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo, ihihinto ko ang aking gagawin.” Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip dahil hindi ako tumugon sa kanyang sinabi. Tila may kung ano sa aking damdamin ang sang-ayon sa plano niyang gawin. Sinakop niya aking mga labi, nararamdaman ko ang pagpupumilit ng kanyang dila na pumasok sa aking labi, hanggang sa hindi ko na ito napigilan, hindi ko na rin napansin na sa bawat paghalik niya unti-unti akong tumutugon, Ano ba ang nangyayari sa aking katawan? Bakit? Bakit pagdating sa hayop na ito, ang aking katawan ay bigla na lamang bumibigay. Naputol ang aking iniisip nang maglakbay ang kanyang mga daliri sa aking dibdib at nakapa ang maliit na bilog sa dulo nito, naalala ko na lamang na wala nga pala akong damit at tanging bathrobe lang ang tumatakip sa aking katawan dahil katatapos ko lang maligo. Ako'y napasinghap nang kanyang pisilin ang bagay na kanyang hinahawakan, muli na naman akong nilamon ng sensasyon ng aking katawan. "Ugghhh." Hindi ko mapigil ang sunod-sunod na ungol na lumalabas sa aking labi. Hanggang sa tumigil siya sa pagsaid sa akin ng halik at ibaling ang kanyang dila sa paglalakbay sa aking katawan. Hinalikan niya ang aking leeg, pababa sa aking dibdib, sa aking pusod, hanggang sa mariin akong pumikit dahil alam na alam ko kung saan patungo ang kanyang dila. Isa... Dalawa... Tatlo... Ngunit wala akong naramdaman. Walang gumapang, walang dumapo sa aking kaselanan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, saka ko lamang napagtanto na nakadagan ang kanyang ulo sa aking tyan at siya ay mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umupo upang hindi siya magising. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumaas ang aking labi nang makita ko ang kanyang tulog na mukha. Maamo ang kanyang mukha kapag tulog, hindi mo maiisip na ang lalaking ito ay isang hayop at isang taong hayok sa makamundong pag nanasa. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa aking isip, dahil ang aking kamay ay parang may sariling buhay. Hindi ko napansin na sinusuklay ko na ang kanyang buhok gamit ang aking daliri. Pinagpatuloy ko lamang ito at tinitigan ang kanyang mukha at sikretong ngumiti. *** Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag galing kay Cassie. Nais nyang makipagkita at makipagkuwentuhan, kaya agad akong nagdesisyong mag-ayos na ng sarili. Ngunit nang akmang ako'y tatayo, mabilis din akong napaupo sa kama dahil sa isang kamay na humila sa aking braso. "And where do you think you're going?" saad ni Blake na may pupungas-pungas na mata. "The hell you care?" saka ko siya tinapunan ng matatalas na tingin. Nanlaki ang aking mata nang ibagsak nya ang aking katawan sa aking higaan saka dinaganan. "Gusto kong ituloy ang naputol na eksena sa atin kagabi, Steffi." Hinalikan nya ang aking leeg. "Makikipagkita ako sa fiancé mo." Bigla siyang natigilan sa aking sinabi at dahang-dahang bumitiw, umalis sa pagkakadagan sa ‘kin at umupo sa kama. "Bakit? Anong pag-uusapan nyo?" "Ewan ko, tinawagan nya lang ako. Gusto nya raw makipag-usap." Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag sa mga tinatanong niya "Umalis ka na," saad nya. "Wow, ha! Kung makapagpa-alis ka sa ‘kin, bakit, bahay mo ba ito?" "Are you forgetting that I own this building?" Mariin akong napalunok sa kanyang sinabi. Oo nga pala, siya ang may-ari ng building na ito. Bigla akong kinilabutan at nagulat nang walang sabi-sabing inilapat niya ang kanyang kamay sa aking p*gkababae, agad akong napatayo dahil dito. "Hayop ka talaga, manyak!" Sabay kuha ko sa unan at binato sa kanyang mukha. Nakita ko pa ang kanyang pagngisi. "We'll continue this some other time." Ang walang hiya, tumayo na lang sya, nag-ayos ng kanyang damit at lumabas ng aking condo Kahit may bahid ng pagka-inis inayos ko na ang aking sarili. *** "Maganda ba ito, Steffi?" "Sa tingin ko kahit anong wedding dress naman ang suotin mo, talagang babagay sayo." Malakas na tumawa si Cassie bago tumugon sa aking sinabi, "palabiro ka pa rin talaga." Nandito kami ngayon ni Cassie sa tindahan ng wedding dress, pumipili siya ng damit para sa darating niyang kasal. "Pero, Cassie. Hindi ba masama isukat ang wedding dress?" tanong ko. "Sa palagay ko, hindi naman masama. Mas masama siguro kung mahulog yung wedding dress ko sa araw ng kasal, dahil hindi sakto sa katawan ko," tugon niya sabay tawa nang kaunti. Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi at umupo sa isang sofa, kumuha ng magazine at tumingin ng mga damit. "Wala ka pa bang balak mag-boyfriend ulit, Steffi?" Natigilan ako sa aking ginagawa dahil sa kanyang sinabi. Tinaas ko ang aking ulo at tumingin sa kanya. Nakita ko ang mga babae sa shop na abalang tinutulungan siya sa pag-aayos ng kanyang wedding dress. "Darating din ang taong para sa akin, Cassie. Kung hindi man ngayon, baka bukas o sa susunod pa," malungkot kong sagot sa kanyang tanong. Nakita ko ang dahan-dahang paglapit sa akin ni Cassie, saka umupo sa aking tabi. Tiningnan niya ko nang nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata, saka niya hinawakan ang aking kamay. "Si Raymond pa rin ba ang laman ng puso mo?" pagtanong ni Cassie. Napayuko ako bago sumagot, "Kahit kalian, hindi naman siya nawala sa puso ko." Naramdaman ko na lamang ang bisig ni Cassie na iniyakap sa katawan ko. Marahan niyang sinuklay ang aking buhok na talagang nagpagaan sa aking pakiramdam. "Huwag kang mag-alala, Steffi. Darating ang panahon na may lalaking iibig sayo nang wagas." Unti-unti nyang inilayo ang mukha niya sa ‘kin bago dinugtongan ang kanyang mga sinabi. "Like me.” Pag-impit niyang tawa. “Sinong mag-aakala na ang mortal enemy ko ang mapapangasawa ko, hindi ba?" "Naikwento ko sayo dati, hindi ba? na sobrang yabang at antipatiko talaga ng Blake na ‘yan noong nasa college pa kami. Nakakainis siya, as in galit na galit ako sa kanya. Pero dahil sa hindi malamang dahilan, nahulog na lang ang loob ko sa kanya," sunod-sunod na pagkuwento ni Cassie, saka nya hinawakan ang kanyang engagement ring na nasa kanyang pala singsingan. "Kaya mahal na mahal ko si Blake Robinson, dahil makalipas ang ilang taon. Nakita ko ang mabait niyang katangian na akala ko noon ay puro kayabangan lang." Bumalik ang tingin sa ‘kin ni Cassie, saka nya ako ningitian. "Kaya ikaw, Steffi. Kapag nakita mo na ulit ang taong magpapatibok sa puso mo, huwag mo na syang pakakawalan, okay? At siyempre, ako dapat ang bridesmaid mo." Nagbigay siya ng isang kindat sa akin. May kung ano sa puso ko ang nasasaktan sa bawat ngiti niya. "Mahal na mahal mo talaga si Blake, ano?" nakayuko kong tanong. "Oo naman, siya ang unang taong nagpatibok sa puso ko. At siya ang taong gusto kong makasama habambuhay." Bigla na lang gumalaw ang aking katawan at agad kong binigyan ng mahigpit na yakap ang aking kaibigan. "Sorry, Cassie... Sorry." Hindi ko mapigilan ang luhang dumadaloy sa aking mga mata. Ang luha na matagal nang naipon dahil sa mga kasalanang ginawa ko. Kasalanang ginagawa ng katawan ko, kasalanang ginagawa namin ng kanyang magiging asawa. "Steffi, bakit ka umiiyak?" "Hayaan mo na lang muna akong umiyak, Cassie." Saka niya hinagod ang aking ulo. Ayokong may isang tao na naman ang magdurusa dahil sa ‘kin. Ayokong isang tao na naman ang masasaktan dahil sa kagagawan ko, ayoko. *** Matapos akong umiyak at samahan si Cassie sa pagpili at pagpapasukat ng wedding dress. Hinanda ko ang aking sarili sa mga nais kong gawin. Agad akong pumunta sa opisina na aking pinagtatrabahuhan at pinuntahan si Blake Robinson. Sinadya kong lakasan ang pagbagsak ng aking mga palad sa kanyang office table upang maramdaman nya ang galit sa aking puso. "I quit!" sigay ko. Sabay hagis ng resignation form sa kanyang mukha. Sa pangalawang pagkakataon, muli akong nagtangkang mag-resign sa kanyang kompanya. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa aking ginawa. Umayos siya ng upo at pinag-intertwine and kanyang mga daliri bago sya magsalita. "You're brave." "Tama na, Blake. Hindi ko na kaya ang mga gusto mo. Hindi ko na kayang magtago sa kaibigan ko. Pakiusap tigilan mo na ‘to." Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ko. "Okay, kung ‘yan ang hiling mo, ititigil na natin ‘to, pero..." Nagulat ako nang biglang dumilim ang paligid. Mayroon siyang inabot na remote at pinindot ang bagay na iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na naman ang video na iyon sa isang malaking projector, ang video na nakapagpabago sa buhay ko. "I think you're ready to share this video? Sayang naman kasi ito kung walang makakapanood." "Hayop ka talaga! isa kang halimaw!" sigaw ko. Nanginginig ang aking tuhod at unti-unti akong napaluhod sa sahig. Hindi ko alam kung ilang patak na ng luha ang nailalabas ng aking mga mata. Ang alam ko lang, para akong isang ibon na nakakulong sa palad ng lalaking ito. Unti-unti siyang lumuhod upang pumantay sa aking mukha, ssaka siya bumulong. "Hindi ka makatatakas sa kamay ko, Steffi. Hindi pa ako tapos sa ‘yo." Unti-unti siyang tumayo at inilagay ang kamay sa bulsa, saka lumakad palayo sa aking kinaroroonan. Naiwan ako mag-isa sa kanyang madilim na opisina. Pinilit kong takpan ng aking mukha gamit ang aking kamay at tahimik na umiyak. Tanging paghikbi ko lamang at ang mga ungol na nang gagaling sa malaswang video ang naririnig sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD