Point of view - Cassie Miller - Ilang beses ko nang dina-dial ang numero ni Blake at pilit na tinatawagan, ngunit out of coverage ang cell phone niya. Ano na naman kaya ang kaniyang ginagawa? Dahil sa ilang ulit ko na itong tinatawagan, sumuko na lang ako sa pag-contact sa kaniya. Sumandal ako sa headrest ng aking higaan dito sa mansion ng pamilya ni Blake at saka marahang pumikit. "Napakatigas talaga ng ulo ng lalaking iyon," saad ko saka malalim na napabuntong hininga. "Nandito ka pa rin pala?" Biglang napadilat ang aking mata nang ako ay makarinig ng isang tinig. Nilingon ko ito at nakita ko ang daddy ni Blake na nakatayo sa pintuan. "Dad, kanina ka pa po ba diyan?" saad ko saka ako nag-ayos at tumayo mula sa aking pagkakahiga. "Huwag mo akong kausapin na ti