Point of view - Blake Robinson - Sa aking paglabas mula sa airport, nakita agad ng aking mga mata si Cassie na nakaupo sa sasakyang susundo sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako nang siya ay aking makita. Naglakad ako palapit sa sasakyan at pinagbuksan agad ako ng aking driver, saka ako pumasok sa loob at umupo. "Sa bahay na lang tayo mag-usap masakit pa ang aking ulo," saad ko kay Cassie habang nakatingin ako sa labas ng bintana at nakapalumbaba. Hindi siya umimik sa aking sinabi at dumiretso na lang ang aming sinasakyang kotse sa mansion. Nang kami ay makarating sa mansion agad kaming naglakad papasok at nag tungo sa aking silid. Hindi pa man ako nakakapag-ayos ng aking sarili ay agad na lamang akong umupo sa aking study table at sumunod sa akin si Cassie.