Si Grace? Nandito na naman siya? Hindi ba't umalis na siya kanina? Pero bakit parang napaka-seryoso ng pinag-uusapan nilang dalawa ni D? Bakit parang hindi na tungkol sa office? "Sabihin mo na sa asawa mo, D. Hindi pa pala niya alam na naging tayo. Hindi niya alam na minahal mo ako at baka nga hanggang ngayon mahal mo pa rin ako. Kawawa naman si Iris pinaglihiman ng asawa niya. Bakit mo inililihim sa kaniya, D? Dahil ba hanggang ngayon gusto mo pa rin ako? Aminin mo na D na nagustuhan mo rin ang nangyari sa atin noon sa hotel." Tinakpan ko ang aking bibig dahil hindi ko inaasahan ang maririnig ko. Nanlaki rin ang mga mata ko. Wala sa isip ko na may nangyayari na pala sa kanilang dalawa sa likuran ko. Kahit kailan hindi ko pinag-isipan si Grace. "Stop it, Grace. Nagkaayos na kami ng

