Nakatulugan na ni Vianna ang inis. Hindi na nagreply si Brandon at kahit sa panaginip ay papiksi-piksi siya dahil may yumuyugyog sa kanya. Lumilindol! Sigaw ng utak niya. Hindi matigil ang lindol. Nagkakagulo ang panaginip niya. Lumilindol daw tapos ay kinakapa ni Brandon si Madeline. Humikbi siya dahil hubad ang maldita pero bigla siyang napasinghap dahil para siyang nauubusan ng hangin. May lumalamukos ng halik sa kanya pero walang mukha. Tapos ay hinihigop ang hangin niya. Multo! Oxygen pleate! Napadilat siya at napapasag-pasag. Para siyang tilapya. Bigla siyang napabangon nang pakawalan siya ng lalaking multo. “B-Brandon?” taka siya. Basang-basa ang bibig niya ng laway. Ito naman ay dinilaan ang labi. “Are you expecting someone else?” inis na tanong nito kaya kinamot niya an