Typos and grammatical error ahead!! # 9_Vience Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na nasa ibang bahay pala ako. Damn me! Napasarap yata ako ng tulog dahil ng tignan ko ang orasan ay pasado alas onse na ng umaga. Yata!! Napasarap nga ako ng tulog. Hindi naman halata dahil magtatanghaling tapat na nga. Ikaw ba naman ang matulog sa komportableng kama at tahimik na kapaligiran. Paanong hindi ako makakatulog ng maayos. Pero hindi na mahalaga iyon sa ngayon. Dahil hindi dapat ako makaramdam ng kapayapaan sa hindi ko naman bahay. At bakit hindi man lang niya ako ginising o sinita. Binulabog para magising ako ng umaga. Hindi iyong ganito na feel at home lamang ako. "Dan Bautista." Muli ay sigaw ko na naman. Wala akong pakialam kung nakakabulahaw na ako sa buong bahay. Tutal naman siy