Typos and grammatical error ahead!! Vience POV: "Hu." Hinihingal na tumigil ako sa pag takbo. Mabuti na lang at walang asong gala sa paligid kaya naman nakapag jogging ako. Nakapag isip kasi ako na mag jogging na sa umaga para naman kahit papaano ay makapag papawis ako ng hindi na lang ako nakahilata sa bahay ni Dan ng buong araw. Ayaw kasi akong pagtrabahuin ng katulong na kinuha niya. Kaya naman para na akong buhay prinsesa kulang na lang ay ang paliguan ako. Subuan ako kapag kumakain. Hayst! Nakakabagot talaga ang walang ginagawa. Lalo pa at parang nakalimutan na ako ng boss ko at hindi man lang ako tinatawagan at tanungin kung buhay pa ba ako. Namimiss ko na tuloy ang pagtatalak din niya sa akin at kapag pinapagalitan ako kapag wala akong magandang scoop na maisulat. "Paano na l