Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ VIENN POV: ¤¤¤ "Sino naman yan?" Hindi naman ako magugulatin pero bahagya akong napakislot sa kinatatayuan ko dahil bigla siyang sumulpot sa biranda kung saan ko sinagot ang tawag mula sa taong inutusan ko noon na gumawa ng paraan para mapauwi ang mga magulang niya. "One of my men. May balita lang silang kailangang sabihin sa akin." Totoong sagot ko dahil hindi naman talaga ito tatawag kung walang magandang balitang sasabihin. Napalabi siya sabay silip sa screen ng phone ko. Naiiling na ipinakita ko sa kanya ang tumatawag. "Bakit? Aalis ka? May trabaho ka?" "Maybe. Aalis ako kapag maganda ang ibabalita sa akin. At hindi kasama to sa trabaho ko pero importanteng bagay." Sagot ko sa kanya na mas ikinasimangot niya. "Mas importante sa pag aala