Typos and grammatical error ahead!! #16_Vience; "Aray ko naman." Sigaw ko ng pabalibag na binitawan niya ko sa sofa. "Sumosobra ka na talaga Dan Bautista. Namumuro ka na sa akin." sigaw na paninita ko sa kanya. Hindi na nga niya ako hinintay na makababa sa sarili kong mga paa kanina padating kami ay binuhat na naman niya ako at talaga namang pahagis pa na ibinaba sa sofa sa sala. "At kung hindi ako dumating agad kanina. Magpapahalik ka ba sa kanya?" Galit na tanong niya. Nanlilisik din ang mga mata at nakikita ko na talagang hindi nagbibiro ang galit niya ngayon sa akin. At saka ano naman ngayon ang ipinagpuputok ng butse niya. Hindi ko naman alam ang balak gawin ng Victor na iyon. Malay ko na na bakak akong halikan saka nabigla din ako kaya hindi ako nakakilos kanina at nakapagreact.