Tahimik, at maayos ang panahon para sa mga kaLuluwang nakakulong sa impyerno, 'yon ang akala nila. Habang nakahimlay ang isa sa mga ulo ni Serberus, nagbabalak nang maghasik ng nakakatakot na ingay ang ahas na pinadala ni Lucifer. Habang nagpapakasaya ang ilan, may mga kaluluwang nilulunod ng mga nakakapangilabot na kaisipan. Nagbabalak na umaklas, sumalungat sa agos at sundin ang kanilang kagustuhan. Gamit ang kasangkapang yari sa balat- kayo, nakapagmasid nang malaya si Lucifer. At ngayong sumilip na naman ang saksi, anong sumpa kaya ang mangyayari? Sa paparating na delubyo, mata mo'y igala nang husto. Utak ay hasain, haka-haka ay iyo ring dinggin. Mga tanda ay itago't siyasatin, sa dulo ng pagpapagal, kasagutan ay iyong makakamtan. VINCE Naalimpungatan ako dahil may kung anong mabiga