ZANDRA "Good morning mom!" bati ko sa aking magandang ina. At last, nakauwi rin ako sa amin, it's been months pero feeling ko ilang taon ang lumipas. Gulat kayo no? Nagka POV ako. Akala niyo, since wala na ako sa SAA, itsapwera na ako sa kwentong 'to. Hahahahaha! Wag kayong mag-alala, hangga't buhay ako, hindi ako mananahimik, at hindi ako matatahmik hangga't humihinga ang pesteng Keisha Loreen na 'yon sa mundong 'to. "Good morning sa napakabait at napaka-sweet kong bunso. Nga pala, kanina tumawag ang Kuya mo at ang sabi niya, malapit na raw siyang umuwi sa Pinas," ani to. Biglang kumunot ang noo ko dahil, hah? Ngayon niya pa naisipang umuwi? Ilang taon na siyang nasa America at ang buo naming akala eh doon na siya mabubulok. "Ano raw ang dahilan niya at bigla atang nagbago ang ihip ng