KEISHA Lunes na naman, panibagong araw ng pakikibaka dito sa impyerno na tinatawag na SAA. Pagkagising ko pa lang kanina, kahit dilat ang aking mga mata, pakiramdam ko binabangungot pa rin ako. Pa'no naman kasi, 'yong paa no'ng mokong na si Kamatayan, kulang na lang eh tuluyang pumasok sa aking bunganga. Napakabastos, 'di ba? Pasalamat siya't hindi ko siya nasapak sa mukha dahil nakuu! "Ohhhh! Kamatayan lubayan mo ako, pwede ba? Kagabi ka pa sa akin namumuro ah, baka gusto mo ng kotong na malutong? Kung ano na naman 'yang pumapasok sa utak mo. Kung aalis ka, umalis ka na, pwede? Kakasimula pa lang ng araw namemeste ka na kaagad," pagrereklamo ko, no'ng nagtatangka na namn itong yumakap. Alam kong masarap ang gising niya dahil, ako ang kanyang katabi, pero naman, tantanan niya ako dahil