ZACHARY NATHANIEL "Hmmm, ano sa tingin niyo? Matutuwa kaya sila kapag natanggap nila ang surpresang ibibigay ko mamaya?" tanong ko doon sa tatlo na hindi makapaniwala noong ipakita ko sa kanila ang aking mga koleksyon. "They're the missing students," bulalas ni Vince. "Tumpak! Hiniram ko lang naman ang kanilang mga katawan para gumawa ng mga clone para sa pasabog na gagawin natin. Mahirap kasing kunin ang ating alay kapag masyado siyang nakadikit doon sa mga taong pumo-protekta sa kanya. While the others are distracted para pigilan ang paghahasik ng lagim nitong mga bata ko, kikilos kayo para hablutin sa kawalan si Keisha, okay? Simple lang naman ng trabaho niyo, 'di ba?" nakangiting ani ko. Maligalig na pumalakpak ang aking kapatid na halatang proud sa gagawin namin. "Okay, hindi ko n