CHAPTER 72: WILLYING WILI

1930 Words

FINN Nababalot ng malamig na hangin ang buong SAA dahil ito na ang huling buwan ng taon, sa wakas. Sa ngayon, nagpapasalamat ako dahil wala namang nangyaring sakuna, at nananatiling tahimik ang mga tupang nakakulong sa SAA simula noong nawala ang kanilang Hari, dalawang linggo na ang nakakalipas. Dismayado man kaming tatlo, walang oras na hindi ko kinontak ang cellphone number nito, pati na rin sa kanyang mga social media accounts, ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Hindi lang ako ang labis na nagtataka at nag-aalala kung ano na ang nangyari kay Kamatayan, kaya naman bilang kaibigan at masugid na tagasunod, tila tungkulin ko ang hanapin ang katotohanan kung bakit. Magbabakasakali ako ngayon na hanapin siya sa H&S o 'di naman kaya sa bahay nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD