"A.Y.A.W! Ako na lang ang gagamot nito mamaya. Sige na, maiwan ko na kayo at mas mabuti pang matulog," palusot nito. "Hatid na kita?", "Nahh! Asikasuhin niyo na lang 'yon si Marievick at baka mas lalong lumala ang paso niya sa katawan, baka maging peklat pa," nag-aalalang pagtataboy nito. Tumango ako tapos noong umalis na ito, inaya ko na si Finn na puntahan na sa loob si Marievick dahil baka ano na ang nangyari. Kinatok muna namin ang pinto para paalalahanan ito na papasok na kami, mahirap na, baka hindi pa siya nakakapagbihis, ayaw ko namang madagdagan ang kasalanan ko. "You can come in," ani 'to. "Ohh? Why are you looking at me like that?" tanong sa akin ni Finn. "Ikaw na bumukas. Ako na nga naghatid at nagsundo d'yan, ako pa ang magbubukas ng pinto? Come on! Mag-ambag ka naman, pre!