KEISHA "Ate, kailan tayo babalik sa dati nating bahay?" tanong ko kay Ate Sophia. Humarap ito sa akin tapos lumuhod para pantayan ako. "Hindi na tayo babalik doon, Keisha. Kung may naiwan ka man doon sa luma nating bahay, ipapabilin ko na lang kay Tata Sasa, para itago. Para kung madaan man tayo do'n kung sakali, kukunin natin, okay?" ani 'ya. Umiling ako ng ilang beses dahil hindi naman iyon ang tinutukoy ko. "Ate, paano si Ellise? Kailangan ko siyang makita, Ate. Baka magalit 'yon sa akin, kasi nangako ako na ibibigay ko 'yong wish niya kapag nanalo siya sa laro naming dalawa. Look oh, marami na akong naipon na chocolates na ibibigay kong premyo sa kanya. Hindi ko kinain 'yong mga binibili ni dad kasi, pangbawi ko ito sa kanya, para hindi na siya magalit sa akin," ani ko, nagbabakasakal