KEISHA Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa lahat, at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan, Ngayon at kung kami'y mamatay Amen. Hinihintay kong dumampi ang mala-lason nitong dila sa'king katawan. Hindi ko na mabilang pa kung ilang Aba ginoong Maria na ang nasambit ko, habang mariin na ipinipikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ito na ba ang aking katapusan, ang maubusan ng dugo sa kamay ng mabahong demonyong hindi ko alam ang ngalan. "Let me live longer, I want to live longer-" patuloy nitong ani. Para akong mababaliw dahil kanina niya pa sinasambit ng paulit-ulit ang mga salitang hindi maatim ng utak ko. Hawak ko ba ang buhay niya para magmakaawa siya