KEISHA "Anong nangyari sa kanila, Kamatayan? Bakit parang namumutla itong dalawa?" tanong ko kay Kamatayan. Pagkaaga-aga kasi, akala mo 'tong sina Vince at Finn, nakakita ng multo. By the way, nakakalakad na ako! Hahahahaha! Pwede na ulit tayo maghasik ng lagim sa mga kaluluwa dito sa SAA! "Wag mo na lang silang pansinin. Napuyat lang sila kagabi kakaiyak dahil sa Kdrama na pinanood nila, 'di ba? Vixel? Finn?" sagot nito. Kaagad na nagsitanguan 'yong dalawa na kulang na lang maputol 'yong kanilang ulo. Kumunot ang noo ko dahil bago ata sa akin na nanonood pala sila ng no'n. "Uhm, 'di ba next week na sembreak? Anong balak mo d'yan? Baka naman, oh! Mag-beach naman tayo!" alok ko. Nagc-crave ako sa tubig-alat, huhuhu! Gusto ko nang lumangoy! "About d'yan, kakausapin ko pa lang 'yong may-a