DWIGHT Pagkatapos kong magising mula sa mahabang panaginip at magsaya, dali-dali akong nagtungo sa aking malaking kusina, upang magluto. Gaya ng aking ipinangako, hindi ako titigil hangga't hindi nakakatikim ng galit ko ang mga halang na kaluluwang naging tinik sa aking lalamunan sa mahabang panahon. Bago simulan ang lahat, hinugasan ko muna ang aking kamay nang maigi. Pagkatapos niyon, inihanda ko na ang mga gagamiting sangkap para sa isang espesyal na panghimagas. Habang binibigyan ng magandang masahe ang karne, binalikan ko ang nakakatuwang pangyayari bago pa man sila mapunta sa ganitong kalagayan. ---------------------------------- Nanginginig na niyakap ng babae ang kanyang duguang katawan habang isinisiksik ang sarili sa malamig na tarangkahan. Dahil punit-punit ang suot nitong