"Sup men! Oh shhhhhh----! Kamatayan!" sabay-sabay na bulalas no'ng tatlo no'ng makita nila ang bebe ko. "Kanina pa namin kayo hinihintay," malalim na sabi ni Kamatayan. Ako na ang kinabahan sa kanila, promise! Pang ilalim ng hukay 'yong tono ni Kamatayan kaya alam ko na pang ilalim din ang parusang naghihintay sa kanila. Pinagitnaan namin 'yong tatlo. Nasa unahan sina Finn at Vince tapos sa gitna sila habang kami naman ni Kamatayan 'yong nasa hulihan. Nagbubulung-bulungan 'yong tatlo pero gaya no'ng sa kaso ni Shane, parang wala namang kakaiba sa kanila, hindi katulad no'ng bruha na naging baliw. "G*go! Sabi mo isang buwan 'yong sembreak! T*nga mo talaga!" sumbat no'ng isa sa kasamahan niya. Hahahahaha gusto kong tumawa dahil nagsisisihan sila ngayon. "Isang buwan nga! B0bo! Hindi ka