ZANDRA Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang malagi ako rito sa Hospital. Pakiramdam ko, nakakulong ako nang matagal na panahon dahil sa bagot. "Babalik ako agad, okay?" paalam ni Zach. Tumango ako tapos binigyan siya ng mahigpit na yakap. Simula kasi day 1 hindi pa siya umuuwi sa kanila. Nahiya naman na siguro siya kay mommy dahil lagi niya itong nadadatnan sa tabi ko. Kung hindi ko pa siya pinilit na umuwi muna sa kanila kasi sabi ko, baka nag-aalala naman na 'yong mama niya, hindi talaga siya lalayas. "Ingat ka! I love you!" pahabol ko habang inihahatid ko siya palabas ng pinto gamit ang aking paningin. Pagkaalis ni Zach, mabilis kong kinuha ang aking cellphone na nakalapag sa mesa upang tawagan si Autumn. Kagabi kasi kinukulit ako nito sa chat na makausap ako in person. Hula