KEISHA Tatlong araw na ang nakakalipas simula no'ng mawala si Shane sa SAA, at apat na araw na ang nagdaan simula no'ng umalis si Kamatayan. Wala kaming lead hanggang ngayon kung nasaan si Shane, at kung buhay pa ba siya, sana naman. Pagdating naman do'n sa demonyo, hindi ko pa rin makontak ang kaniyang number. "Ughhhh! What should we do now, taong palikpik? Tapos ko na ang trabaho ko, and wala na akong gagawin! Ayaw mo naman akong payagang pumasok sa klase ko, tapos eto namang si Vince, eh, ayaw pa ring lumabas sa kaniyang silid," bagot na ani ko kay Finn. Hindi ito agad umimik dahil masyadong nakatuon ang kaniyang atensyon sa kung ano man ang kanyang sinusulat. Nakakaawa man, hindi ko siya matutulungan do'n sa iniwan na trabaho sa kaniya ni Kamatayan dahil exclusive lang 'yon para sa k