KEISHA
"Oh isa pang ikot, bilis! Wag ka ng maarte Beshy dahil humihingi nga ng picture ang Ate mo! Ako naman ang malilintikan kapag hindi ako sumunod do'n. Alam mo naman ang ugali ni Ate Sophia, hindi ba?" ani Venus. Umirap ako dahil kanina pa niya talaga ako kinukuhaan ng litrato. Pasalamat talaga siya't siya ang nag-ayos sa akin kaya pagbibigyan ko ang bruha.
"Ilang picture ba ang gusto niya ah? Magsisimula na 'yong party oh!" naiinis kong tanong.
"Eto last na talaga promise. Tapos e-exit na ako. Ikaw na lang ang maghanap do'n sa Prince charming ko ah? Sinabi ko na sa'yo kung ano ang itsura niya," ani 'ya. Tumango ako ng mga tatlo ata tapos inalalayan niya na akong lumabas.
"Paniguradong magugulat ang lahat kapag nakita ka nila Besh! Sa ganda mo ba naman at dagdagan mo pa ng powers ko, pak! Paniguradong pati si Dwi---" Hindi na ito natapos ang una niyang sasabihin dahil biglang tumambad sa aming harap ang demonyo. Biglang nagbago ang itsura nito Venus na animo'y nakakita ng multo.
"G-good evening po. Pasensiya na po kayo kung nandito ako kahit hindi po ako imbitado. Hindi ko naman po talaga gustong pumasok dito sa SAA, napag-utusan lang p--" Umirap ako't hinablot ang kan'yang braso para matigil sa pagsasalita. Dami kasing sinasabi na naman, nakakahiya!
"G*ga ka ba? Si Kamatayan lang 'yang nasa harapan mo! Akala mo naman nakikipag-usap ka sa Amo mong bwesit ka," pamumutol ko. Dahil sa aking tinuran, mabilis na yumuko si Venus na ikinatuwa ko. Niyan! Isara mo na lang ang 'yong bibig.
At ngayon, binalingan ko ng bangot na ekspreson ang demonyong nasa harap namin.
"Ano na namang ipinunta mo rito? Manggugulo ka na naman porket maayos na ang lagay ko? Ha! Pwede ba, Kamatayan, kahit ngayong gabi lang lubayan mo 'kong bwesit ka?! Sayang 'yong ayos ko kung mai-stress lang ako dahil sa'yo," inis kong asik. Gaya ng dati, ano pa nga ba? Hindi kumibo si Kamatayan at umakto na naman na parang walang narinig.
"Besh, una na ako! Wag kang mag-alala, pag naligaw ulit ako alam kong susulpot ulit 'yong aking Prince charming!" pambabasag ni Venus, dahil itong hunghang ay busy sa kakahila ng kamay ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Hindi na nga sumagot, nanghahablot pa. Napakatigas talaga ng mukha!
"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin ah? Wala man lang bang pangungumusta d'yan?" inis kong bulyaw habang nagkukumahog na makawala ang aking kamay sa pagkakahawak nito.
"Tsk, naunahan mo akong magsalita. Ang dami mo kasing pinuputak," ani ya, na may halong pagkainis.
Ay ako pa ang may kasalanan? Sorry kasi ang akala ko pipe kang nilalang dahil ayaw mong mag-salita. Kaloka 'tong taong 'to! Aba, malamang puputak ako, sino bang naagrabyado dito? Hindi ba't ako? Kung makapagsalita 'tong bwesit na to, parang hindi niya kasalanan ang lahat!
"Ayos 'yang ugali mo ah! Baka hindi mo alam, ikaw ang dapat sisihin sa lahat! Kung hindi ka ba naman malandi at hindi ka laging sumisiksik sa'kin edi sana, hindi ako pineste no'ng baliw mong fiancée!" puno ng gigil na sabi ko. Hindi maipinta ang mukha ni Kamatayan na animo'y hindi niya matanggap ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
"Bakit, mali ba? Sabi niya fiancée mo siya at sa kan'ya ka lang daw. Aba, bobo ata 'yon! Hindi niya ba alam na ikaw 'tong dikit nang dikit sa'kin tapos ako ang pagsasabihan niya na layuan ka? Alam mo kasi, ikaw Kamatayan, kapag may jowa ka na, wag ka ng umasta na para kang single ha? Wala ka bang bayag?! Pati tuloy sibilyan nadadamay dahil sa kalandian mo!" ani ko. Kahit madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ngayong gabi, pinandilatan ko talaga siya nang bonggang-bonga dahil sa gigil.
Bakit? Totoo naman talaga na malandi 'tong demonyong 'to! Sabihin niyong hindi? Siya nga laging lumalapit sa'kin.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? 'Yung baliw na 'yon, fiancée ko? Tsk, mamatay na lang ako," mayabang na tugon niya.
"Ah basta! Fiancée mo man o hindi, kasalanan mong lahat! Hindi na ako magtataka kung hindi lang 'yong baliw na 'yon ang susugod sa'kin next time. Akala kasi nila may gusto ako sayo. Eh sa ugali mong 'yan? Duh never akong ma fa-fall sa isang katulad mo! Baka malaman-laman kong umaasa kang mapa-ibig ako? Hah, sinasabi ko sa'yo Kamatayan, isang kahibangan 'yon. Managinip ka na lang," pang-iinsulto ko. Hindi ko makita ang kan'yang reaksyon dahil medyo nauuna na siyang maglakad sa'kin. Porket sinabi kong never niya akong mapapa-ibig, nagtampo ata ang demonyo at mabilis na naglakad.
"Hoy sandali! Aba talaga! Sandali sabi!" tawag ko. Pero imbes na makinig, humarap ito sa'kin pero patuloy pa rin sa paglalakad. Bale naglalakad siya ngayon patalikod.
"Sabi mo hindi ka mahuhulog sa'kin? Well, let's see Ms. Yu!" taas noong sagot ng hunghang.
"Aba, itaga mo pa sa bato 'yan! Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!" sigaw ko. Hindi ito sumagot after no'n at humayo na.
Totoo naman kasing hindi ako magkakagusto sa kan'ya. Kung ako naman ay maghahanap ng panibagong boyfriend syempre dapat 'yong katulad ng ugali ni Xen nuh? Eh kung ikukumpara ang dalawa, wala sa kalingkingan 'yang Kamatayan na 'yan.
Naiwan akong mag-isa habang nahihirapan sa paglalakad. Madamo kasi 'yong lupa kaya ang hirap lumakad nang maayos.
"Bwesit ka talaga Kamatayan! Bakit ba hindi ka pa sinusundo ni Hud—waaahhh!" bulalas ko. Sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil akala ko lalagapak ako sa lupa.
"Sabi ko na nga ba. Bakit ba kasi ganyan pa ang sinuot mo? Alam mo naman na hindi mo pa kaya?" tanong no'ng demonyo na kulang na lang ay magkapalit ang aming mga mukha dahil sa sobrang lapit ng mga iyon.
Yes po, opo, niligtas lamang po ako ni Kamatayan mula sa pagkakabagsak.
Magte-thank you ba ako sa kan'ya?
Asa.
"Oh? Bakit ka pa bumalik ah? Akala ko ba iniwan mo na ako?" naguguluhang tanong ko.
"Naalala ko kasing Secretary na pala kita kaya kailangang nakadikit ka sa'kin lagi," ani ya, pero walang ekspresyon ang mukha nito.
"Tsk, hello? Acquaintance party ngayon, pwede ba? Wala dapat akong trabaho ngayon ano!" pagrereklamo ko.
"Shut up,"madiin niyang tugon.
"Ohhhh teka! Anong ginagawa mo! Nababaliw ka na ba! Ibaba mo ako hoy!" sigaw ko, habang nagpupumiglas. Pano naman kasi, ang kumag, binuhat ba naman ako!
"Subukan mo lang, pag nadumihan talaga ang suot ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo," banta niya.
Okay, okay, pagbigyan muna natin ang demonyo. Ako lang din naman ang mapapagod kapag ikinampay ko pa ang aking mga paa. Sandaling natahimik ang lugar, walang kumibo sa'min pero sa loob-loob ko kanina ko pa siya minumura. Makalipas ang ilang segundo, kating-kati na 'yong bunganga ko na bumukas dahil papatayin ako ng katahimikan.
Aish! Bahala na! Lunukin sandali ang pride, Keisha.
"By the way, Kamatayan, ikaw? Kumusta ka?" tanong ko sa kawalan. Wow, nagulat ako for about 3 seconds after kong sabihin 'yon. Kayo din, 'di ba? I mean, sa lahat ng pwedeng pang-start up, bakit 'yon pa? Nagmukha tuloy akong interesado sa buang na 'to.
Wait, lemme explain. Mas mainam nang magkalinawan dahil ayaw ko ng issue.
Ano kasi, kaya iyon ang sinabi ko kasi bigla na lang pumasok sa isipan ko 'yong nakita ko sa H&S. Hindi talaga mawala 'yon sa utak ko dahil, ughhh! Kahit naman sino, kapag nakita niyo 'yong itsura no'ng matandang hukluban na masayang-masaya habang si Kamatayan, walang tigil na sumisigaw at namimilipit sa sakit, ewan ko na lang kung hindi kayo takasan ng inyong mga kaluluwa.
To be honest, nanggigigil pa rin ako sa kan'ya!
"I'm good. Makita ko lang na nagagalit ka at sumisigaw, buo na ang araw ko," nakangiti niyang sagot. 'Yong lalim ng iniisip ko, biglang nasira dahil sa nakakainsultong tugon ni Kamatayan.
"Alam mo, g*go ka talaga. Nagtatanong nang maayos---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil kaagad niya agad sinapawan.
"What? Eh 'yon naman talaga ang totoo, anong magagawa ko? Anong gusto mo? Magsinungaling ako? O baka naman may ine-expect ka na sagot mula sa'kin?" pamumutol na tanong niya.
Hell yeah!! I want you to tell me that you're not okay! Kahit ngayon lang, kahit sa'kin lang.
Ay demanding akes?
Hindi kasi mga mare, alam niyo 'yon. Hindi naman masamang umamin paminsan-minsan na hindi ka okay, na may problema ka, na may iniinda ka. Kahit naman hindi maganda ang relasyon namin, hindi ko naman gagamitin 'yon para hindi siya pakinggan. Dahil kahit sinong Hudas Barabas ang makaranas ng gano'ng pasakit, hindi nila kakayanin. Maniwala kayo sa'kin, naawa talaga ako kay Kamatayan no'ng mga sandaling 'yon.
"Wala, bwesit ka! Ibaba mo na lang ako dahil malapit na tayo oh! Ayaw kong makita ng mga fans mo, at alam kong sasabihin na naman nila na inakit kitang hunghang ka! Alam mo namang walang uak 'yong mga nagkakagusto sa'yo, 'di ba? Kukuda muna bago mag-isip, mga bobo amp*ta," gigil kong ani. Buti naman at sinunod niya ang sinabi ko at agad akong ibinaba. After no'n, nagpaalam na rin ito na kukumustahin niya lang 'yong mga tao na pinadala ng kan'yang ama.
"Nako, wag ka ng bumalik, nakikiusap ako. Hayaan mo naman sana akong makapagpahinga, please lang!" pagsusumamo ko. But since he's Kamatayan, syempre hindi siya papayag.
"Okay, dahil sa sinabi mo, bibilisan ko lang tapos babalikan na kita," ani ya. Nakuuu!!! Talagang nang-iinsulto ang kumag.
"Mamatay ka na! Bwesit!" sigaw ko bago ito tuluyang makapasok sa pinto.