CHAPTER TWENTY-SIX

1901 Words

NAGKASALUBONG ang kilay ni Denver nang may isang batang lalake na kumapit sa kanyang pantalon. Sa tantya niya ay mag-aapat na taong gulang pa lang ang paslit — kasing edad sana ng kayang anak kung nabuhay lang. May dumaan na kirot sa kanyang puso ngunit agad din niyang pinilig ang ulo at tinanggal ang kamay ng bata. Binilisan niya ang paglalakad para hindi makahabol sa kanya ang paslit ngunit ang problema ay marami pa siyang nakasalubong na mga bata kaya ganoon na lang ang pag-igtingan ng kanyang panga. “Whoa! Bakit mo naman iyon ginawa sa bata?” tanong ni Robin na hinabol siya. Walang ideya si Robin kung bakit allegic siya sa mga bata. Hindi nito ang alam ang masakit na nangyari sa kanyang buhay. Hangga’t maari ay ayaw niyang makakita ng bata dahil labis na sakit at panghihinayang ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD